Grateful si Assunta de Rossi para sa ika-18 anibersaryo nila ng asawang si Jules Ledesma dahil sa pagdating ng anak nilang si Baby Fiore.

Sa kaniyang Instagram, inilahad ni Assunta na para sa kaniya, si Baby Fiore ang "debutante" nila ni Jules na na-late lamang.

"Today is our 18th anniversary. Had I given birth in 2002, we would have had a debutante by now," sabi ni Assunta.

 

 

Gayunman, ayos lamang daw ito dahil narito naman na ang kanilang "little chick."

"Well, here she is. She arrived late, our little chick." sabi ni Assunta.

Isinilang ni Assunta si Baby Fiore noong Oktubre.--FRJ, GMA News