Certified fan din pala ng Korean superstar na si Park Seo-jun ang Kapuso actress na si Katrina Halili.
Katunayan, hindi nahihiyang gumawa pa ng pakulo ang "Prima Donnas" star para batiin sa kaniyang kaarawan ang South Korean actor.
Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Katrina na edited photo na kasama ang aktor.
"Happy Birthday Oppa," saad ni Katrina sa caption ng larawan.
Gumamit din si Katrina ng hashtag #PDWalangMakakapigil, at naka-tagged si Seo-jun.
Maraming Pinoy ang humahanga kay Park Seo-jun matapos siyang mapanood sa mga hit Korean drama katulad ng “Itaewon Class,” “What's Wrong With Secretary Kim?” at “Fight For My Way.
Kabilang si Katrina sa cast ng Kapuso hit afternoon drama series na "Prima Donnas." —FRJ, GMA News