Inihayag ni Ehra Madrigal ang kaniyang pagiging proud ate sa kapatid na si Michelle, na ngayon ay isa nang mommy kay Anika.
Sa Kapuso online talk show na "Just In," ikinuwento ni Ehra ang unang beses na makita niya ang anak ni Michelle nang bumisita sila sa States.
"First time ko siyang makita so tuwang tuwa ako kasi siyempre nakikita ko lang siya sa videos, sa photos na sine-send ni Michelle or kapag nagfe-FaceTime kami. As in 'yung actual na first time, sobrang, ay grabe nakakagigil. Iba 'yung feeling, feeling ko para siyang anak ko rin. Alam mo naiyak ako nu'ng makita ko silang dalawa," sabi niya.
Hinangaan naman ni Ehra kay Michelle sa maturity nito, lalo pa't isang hamon ang tumira sa States.
"Kasi alam mo siyempre si Michelle, younger sister ko. Sa aming dalawa, siya 'yung go with the flow, 'I don't care,' party, gimik. And now seeing her, I'm just super proud of the person na naging siya kasi ... Imagine mo sa States ang hirap ng buhay, wala kang kasama, wala kang driver, wala kang yaya. And now she's doing everything by herself. Sobrang nakaka-proud lang. Talagang very matured na siyang ngayon. Talagang adult life."
Pag-amin ni Ehra, hindi niya kakayanin kung siya ang nasa kalagayan ni Michelle.
"Oo, hindi ko kaya na mag-isa ka diyan tapos wala kang kasama," sabi niya.
Matatandaang ikinasal si Ehra sa kanyang boyfriend na si Tom Yeung in Boracay noong 2017.
Ikinasal naman si Michelle kay Troy Woolfolk noong 2019 sa Austin, Texas, kung saan sila nakabase. – Jamil Santos/RC, GMA News