Kabilang na rin si Dante "Big Papa" Gulapa sa mga entertainer na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic at pumasok sa pagbebenta ng pagkain sa online para magkaroon ng ibang pagkakakitaan.
Sa kaniyang Facebook post, ibinida ni Dante ang kaniyang tindang Mango Graham at lumpia. Siya rin daw mismo ang personal na magde-deliver sa Caloocan City at mga karatig-lugar kung kakayanin niya.
"Hi mga ka idol baka may gusto umorder ng mga tinda ko po, mura-mura lang po gawa ni Big Papa Dante ako na mag-deliver [mismo] sa bahay ninyo. Kayo na bahala sa shipping fee basta hanggang puwede ko lang deliver-an," saad ni Dante.
HI MGA KA IDOL BAKA MAY GUSTO UMORDER NG MGA TINDA KO PO MURA2 LANG PO GAWA NI BIG PAPA DANTE AKO NA MAG DILIVER MISS...
Posted by Dante Santos Gulapa on Monday, August 17, 2020
Kung hindi naman, maaari pa rin naman daw na maipadala ang kaniyang mga itinitinda sa pamamagitan ng mga delivery app.
HI MGA KA IDOL BAKA MAY GUSTO UMORDER NG MANGO GRAHAM FLOAT AT GRAHAM DE FRUTA 120 LANG PO MURA2 LANG PO GAWA NI BIG...
Posted by Dante Santos Gulapa on Monday, August 17, 2020
Sa isang Facebook live, inilahad ni Dante na nagkaroon na siya agad ng mga customer matapos niyang i-post sa social media ang kaniyang mga itinitinda.
HI MGA KA IDOL BAKA MAY GUSTO UMORDER NG MANGO GRAHAM FLOAT AT GRAHAM DE FRUTA 120 LANG PO MURA2 LANG PO GAWA NI BIG...
Posted by Dante Santos Gulapa on Monday, August 17, 2020
Bukod dito, rumaraket din si Dante sa isang app na may live streaming platform para makapagtanghal.
Noong Hulyo, umapela ng tulong sa kaniyang followers si Dante upang makahanap ng trabaho at masuportahan ang kaniyang mga anak.
Naging internet sensation si Dante, na nakilala sa social media bilang "Big Papa" at sa kaniyang "eagle dance," at natampok pa sa "Magpakailanman" at "Kapuso Mo, Jessica Soho."-- FRJ, GMA News