Nagluluksa ngayon ang dating GMA News reporter na si Steve Dailisan sa pagpanaw ng kaniyang 70-anyos na ama. Sa isang post, ibinabahagi niya ang pangarap na maisakay sana ang ama sa eroplano na siya ang piloto papunta sa kanilang bayan sa Aklan.
Sa kaniyang Facebook accoubt, inihayag ni Steve na pumanaw ang kaniyang amang si Sancho Dailisan nitong Lunes ng 6:00 p.m.
"Our Dad, Sancho Dailisan peacefully joined our Creator at around 6 in the evening. He was 70," saad niya.
Hangad daw sana ni Steve na maisakay ang ama sa mismong cockpit ng eroplano balang araw. Gayunman, pero hindi na ito mangyayari.
"I was looking forward to take you inside the real cockpit one day... I could've been the happiest if I was given the chance to pilot your flight to your hometown in Aklan. But what can I say Dad? You went ahead to your dream destination in the loving arms of God," saad niya.
"Never thought that I'd be writing something so excruciatingly painful in my wall," sabi pa ng dating Kapuso reporter.
Matatandaang iniwan ni Steve ang pagiging isang reporter para ipagpatuloy ang pangarap niya na maging piloto.
Natupad na niya ito, walong buwan matapos ang kaniyang resignation.
Ngunit dahil sa pandemya, nawalan siya ng trabaho nitong Mayo.
Nakabangon naman siyang muli nang magkaroon ng panibagong trabaho bilang public affairs manager ng Air Asia.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News