Sa kaniyang Instagram post, itinanggi ni Ogiel Alcasid ang fake news sa social media na pumanaw na siya matapos umanong makita sa loob ng sasakyan.

Sa naturang fake news, ginamit pa ng nagpakana ng pekeng balita ang  headline graphic layout ng GMA News TV "Balitanghali."

Sa naturang fake news, nakasaad sa titulo na natagpuan umano ang bangkay ng mag-aawit sa loob ng sasakyan.

Huling nagbato ng balita ang "Balitanghali" noong nakaraang Marso 18, 2020, at natigil sa pagbabalita dahil na rin sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa post ni Ogie, inabisuhan niya ang kaniyang mga follower na huwag maniwala sa naturang pekeng balita.

"It is #fakenews i did not want to show the name of the person who posted it but i just want to inform everyone that i am ok. Magmahalan naman po tayo," saad niya.

 

 

Kamakailan lang, naging biktima rin ng fake news  ng pagkamatay ang kaibigan ni Ogie na si Michael V., na nagpapagaling sa COVID-19. (READ: Michael V., nakatanggap ng mga mensahe para magtanong kung totoong pumanaw na siya.)

--FRJ, GMA News