Inirekomenda ni Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson na ideklarang persona non grata ang mga komedyanteng sina Long Mejia, Dagul Pastrana, at Gene Padilla dahil sa paglabag umano nila sa quarantine protocols nang magpunta sa lalawigan.

"I, therefore, call upon the Sangguniang Panlalawigan to urgently pass a resolution declaring Long Mejia, Dagul Pastrana, and Gene Padilla persona non grata in Ilocos Sur," saad ni Singson sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes.

Ayon kay Singson, hindi nakipag-ugnayan ang mga komedyante sa lokal na pamahalaan magpunta sa lalawigan.

"The unsanctioned visit and social activities without proper coordination with the LGU and with no legitimate purpose is an example of awful disregard of the existing quarantine rules," anang gobernador.

Tumanggi rin daw ang mga komedyante na dumaan sa checkpoint protocol.

"Their refusal to undergo quarantine checkpoint protocols, evading checkpoint personnel is another manifestation of violation," saad ng lokal na opisyal.

Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang panig ng tatlo.--Joahna Lei Casilao/FRJ, GMA News