Malayo man sa glamorosang postura ng isang beauty queen, hindi ikinakahiya ni Monika Afable, na itinanghal na Miss Sinulog Queen 2020, ang pagbebenta ng mga pilipit at butchi.
Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing nanatiling simple, mapagkumbaba at matulungin sa pamilya si Monika.
Naglalako siya ngayon sa mga kapitbahay sa Samar ng mga butchi at pilipit na gawa ng kaniyang lola Sisa.
Sabi ni Monika tungkol sa pagtitinda niya; "Ang tunay na puso ng isang beauty queen ay dapat sentro ang pagtulong sa pamilya at pagtulong sa mga tao na nangangailangan kahit man lang sa maliit na paraan ng aking makakaya." --Jamil Santos/FRJ, GMA News