Nag-negatibo si Baeby Baste matapos siyang sumailalim sa rapid test procedure at natapos na rin niya ang kaniyang home quarantine na 14 araw sa General Santos City.

Sa kaniyang Instagram, makikita na hawak-hawak ni Baste ang isang certificate na cleared na siya sa kaniyang home quarantine.

“Yaaaaay completed my 14-day home quarantine thank You Lord sa himsug nga panglawas #wheninGensan,” ani Baste.

Lumipad sina Baste, kapatid na si Samsam at kanilang ina sa General Santos City nitong buwan, at ikinonsidera silang locally stranded individuals (LSI) kaya kinailangan nilang sumunod sa mga protocol ng local government unit doon.

“Following LGU-Gensan’s strict protocol for LSI from airport bus to city service per batch para mahatud sa hotel... kalahutay ragyud mi, ug thank You kaayo Lord.... and thank you po sa among boss, m’m jen na nagpayag mag-uli sa mi sa GenSan,” sabi ng EB Dabarkads.

 

 

Nag-negatibo na si Baste noong nakaraang linggo matapos siyang magpa-rapid test.

“NEGATIVE... Thank You kaayo Lord. strict monitoring sa among barangay. thank you po antie sa pag check kanunay sa amo diri #rapidtest #homequarantine14days,” sabi pa niya.

Nitong Abril, nagpositibo sa COVID-19 ang kaniyang ama na si Papa Sol, pero gumaling din kalaunan. – Jamil Santos/RC, GMA News