May bagong Kapuso online talk show na tututukan ngayong panahon ng community quarantine--ang "Just In" ni Paolo Contis, at kasama rin si Vaness Del Moral.
Ang makakakuwentuhan ni Paolo sa darating na Miyerkules sa ganap na 8:00 pm, ang batikang aktor na si Baron Geisler.
"Magkukuwentuhan at magkakabukingan kaming dalawa ni Pao. Exciting po ito," sabi ni Baron.
Mapapanood ang "Just In" sa official YouTube channel at Facebook page ng GMA Artist Center.--FRJ, GMA News