Derrick Monasterio ang napiling kumanta ng awiting "Panalangin sa Pagiging Bukas Palad" na may tema ng pagbibigay sa kapwa, lalo't nahaharap ngayon ang bansa sa krisis dulot ng COVID-19.
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras," sinabing unang narinig ni Derrick ang kanta sa simbahan, at natawag na agad ang pansin niya noon pa lamang dahil sa ganda ng himig nito.
Kaya naman hindi niya inasahan na siya ang maaatasang kumanta ng awitin na ia-upload sa GMA website para makapaghatid ng inspirasyon ngayong panahon na ito.
"Maganda kasi 'yung song eh, it's very touching, very emotional, it's a song about giving kaya para sa akin talagang nakaka-honor na ako 'yung sinabihan na kantahin 'yun," sabi ni Derrick.
Ang mga unang ng linya ng kanta aniya ang paborito ni Derrick.
"Panginoon turuan mo akong maging bukas palad. For me it means kung ano 'yung meron ako kailangan kong i-share, lahat tayo blessed so matuto dapay tayong mag-share," sabi ni Derrick.
"Gusto ko siyang maging message para sa mga taong nasa taas, mga taong mas fortunate, kasi sila talaga 'yung mga hindi nakaka-experience ng paghihirap ng mga average na tao ngayon kasi may pagkain sila sa la mesa, maganda 'yung house nila, very comfortable 'yung living nila. Pero sana maisip nila 'yung mga taong nangangailangan," ayon pa sa kanya.
Naghatid din ng inspirasyon at bagong pag-asa sina Kapuso artists Hannah Precillas at Matt Lozano sa cover nila ng Saving Grace.
"'Pag takot ako 'yun 'yung kinakanta ko, as in. Alam mo 'yung may ganu'n eh, 'yung 'pag madilim mag-isa ka, 'yung kinakanta mo kasi natatakot ka, it's a worship song," kuwento ni Hannah.
Inihayag naman ni Hannah ang kaniyang pangamba para sa ina na sumasailalim sa dialysis at sa mga medical frontliner sa gitna ng banta ng COVID-19.
"'My saving grace, my endless love,' deeper and deeper lalo akong nalalapit kay God. So 'yung chorus pa lang itself, for me sobrang nakaka-touch kasi everytime na kinakanta ko 'yung kanta, parang kausap ko si God," para naman kay Matt. —Jamil Santos/LBG, GMA News