Pumanaw na nitong Huwebes ng umaga ang premyadong direktor na si Peque Gallaga sa edad na 76.
Sa isang ospital sa Bacolod City binawian ng buhay si Peque, o Maurice Ruiz de Luzuriaga Gallaga.
Kinumpirma ng kaniyang anak na si Wanggo ang pagpanaw ng anak.
"He wasn't in any pain," saad niya.
Nitong Miyerkules, kinumpirma ng pamilya ng direktor na nasa ospital si Peque dahil sa "complications arising from past health conditions."
Kabilang sa mga pelikulang ginawa ni Peque ang "Gold, Silver, Death," "Scorpio Nights," "Magic Temple," ilang pelikula ng "Shake, Rattle and Roll" at ang "Magic Kingdom," kung saan nanalo siyang Best Director at Best Screenplay sa 1996 Metro Manila Film Festival.
Siya rin ang nasa likod ng 1982 film classic na "Oro Plata Mata."
Umani rin siya pagkilala sa 1976 Gawad Urian Awards para sa kaniyang production design sa pelikulang "Ganito Kami Nuon, Paano Kayo Ngayon?" — FRJ, GMA News