Inanunsyo ni Assunta de Rossi na buntis siya, sa kabila ng pagkakaroon ng myoma at endometriosis.
Sa kaniyang Instagram, inilahad ni Assunta na limang linggo siyang buntis. Bago nito, nakaramdam na rin siya ng ilang sintomas.
"And before anyone asks why I look like I’m on my way to the afterlife, allow me to list down all the symptoms I’ve had to endure this past 2 months:/ Fatigue / Nausea / Tender, swollen breasts / Food aversions / Constipation / Dizziness / Heartburn," sabi ni Assunta.
Kaya pumunta na raw siya sa OB-GYN noong Marso 5, 2020 nang siyang hindi magka-'period.' Nang isailalim sa ultrasound, dito na nakita na nagdadalantao siya.
"I know, shocking! Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen," anang aktres.
Kaya naman maituturing niyang isang milagro ang kaniyang pagbubuntis sa kabila ng mga nararanasang sakit.
"This was a miracle! Anyway, what scares me now is I’m already on my 14th week, and I haven’t gained an ounce of weight. Everything I eat goes to my tummy (at breast image)," saad ni Asunta.
Ang myoma ay isang tumor sa uterus na tumutubo kaugnay ng buwanang dalaw ng babae, at naiimpluwensiyahan ng hormones.--FRJ, GMA News