Napag-isip-isip daw ni Ai-Ai delas Alas, na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, mas matimbang talaga ang pamilya kaysa sa pera.
“Importante talaga yung family. Importante yung pagmamahalan,” pahayag ng 55-year-old Comedy Queen nang makausap ng PEP.ph sa telepono kamakailan.
“Kasi ngayon, wala namang pinipili yung COVID-19, e.
"Mayaman, mahirap mamamatay ka..."
Dahil wala pang nadidiskubreng bakuna kontra virus, puwedeng mahawa at manganib ang buhay ng kahit sino—anuman ang estado nito sa buhay.
Ayon kay Ai-Ai, “Kahit mayaman, mamamatay sa COVID-19.
“Hindi naman porke’t marami kang pera, hindi ka mamamatay, e.
"So, yun ang lesson sa akin.”
Nilinaw ni Ai-Ai na mahalaga ang pera sa tao, pero hindi ito ang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay.
“Importante siyempre para mabuhay tayo, pero hindi talaga 'yon ang essence ng buhay mo.
“Wala namang nagawa yung yaman mo laban sa COVID, e.
“Ang daming mga mayayamang namatay."
Hindi raw garantiya na kapag may pera ang isang tao ay hindi ito tatamaan ng virus.
“Wala pang gamot,” sabi pa ni Ai-Ai.
Paalala niya, “Siguro let’s be nice na lang to everyone.
“Always pray, and kumbaga mag-ano na lang tayo sa desisyon ni Lord.
“Please, sana huwag na tayong magpasaway at sumunod na lang tayo sa gobyerno.”
Dahil hindi pa rin nasusupil ang COVID-19 crisis sa bansa, inanunsiyo ng Palasyo na extended ang enforced community quarantine (ECQ) sa maraming bahagi ng Luzon hanggang May 15, kabilang ang National Capital Region (NCR), Region III, Region IV-A, at iba pang "high-risk" areas.
Pag-amin pa ni Ai-Ai, may mga pangamba rin naman siya ngayong panahon ng krisis.
“Ayoko namang magpaka-plastic, pero ang worry ko lang, baka may magkasakit sa amin na isa.
“Kasi yun ang worry ng lahat. Tapos baka magkahawahan.--For the full story, visit PEP.ph