Sa Instagram post, ipinakita ni Kris Bernal kung papaano ginawa ang mga eksena na tila nakalutang siya habang naglalakad bilang ang multong si Naomi sa nagdaan niyang ghost series na "Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko."
Sa video, nakatungtong sa dolly si Kris habang itinutulak ng isang lalaki na bahagi ng production crew na nakatago naman sa ibaba.
Kasunod nito ay kunwaring ibabagsak ng nagpaparamdam na multo ang isang pinggan na nasa lamesa at mababasag. Pero tila matibay ang pinggan at hindi kaagad nabasag.
"Napakatibay ng platong ito!," saad ni Kris sa caption ng blooper video niya.
Panoorin ang nakatutuwang video at alamin kung natapos ang eksena sa pinggan.
--FRJ, GMA News