Dobleng bigat ang nararamdaman ng batikang aktor na si John Arcilla sa pagpanaw ng kaniyang ama. Bagaman hindi COVID-19 ang ikinamatay ng ama, posibleng hindi niya pa rin ito masilayan sa huling pagkakataon dahil sa umiiral na community quarantine.
Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post nitong Linggo, inilabas ni John ang kaniyang damdamin sa pagpanaw ng kaniyang amang si Dominador Alemania Arcilla, 86-anyos.
Ayon sa aktor, nasa Baler, Quezon ang mga labi ng kaniyang ama at baka hindi niya ito mapuntahan dahil sa community quarantine na pinagbabawalan ang mga pagbiyahe at pagkakaroon ng mga pagtitipon.
"Dear friends, my father is gone not because of COVID," paglilinaw ni John. "If not for the quarantine which I believe is necessary, and this painful circumstance which understandably need not to favor with our grieving family, I would not express anything about my father’s fate."
Hindi umano siya komportable na ianunsyo ang pagkawala ng mahal sa buhay, pero hindi umanong madaling tanggapin ang sitwasyong nararamdaman niya ngayon.
"I do not feel good announcing the passing of someone very dear to me. But the feeling of not seeing even his body for the last time while we’re just here 5-hours away from him, isn’t easy to handle. His body is in Baler and due to this situation, wakes and celebrations of mass are not allowed," paglalahad ng aktor.
Plano umano ng kaniyang pamilya na ipa-cremate ang ama at magsama-sama na lang silang ipagluluksa ito kapag natapos na "lockdown." Pero umanong walang naki-cremate sa Baler at komplikado rin ang pagkuha ng permit para maibiyahe ang mga labi ng ama sa Cabanatuan o Manila.
"They can get a travel permit from the origin, but their staff has to be quarantined for 2- weeks or more in their second destination, and has to settle for another set of travel permit," ayon kay John. "So my father’s body will just stay in a funeral chapel for two days without the wake and will be buried with restricted attendance of people the next day.
Ang iba pa umano niyang kapatid at mga kaanak ay nasa Maynila, at kakailanganin din nilang kumuha ng travel permit.
"We need to settle travel permits also but they can not guarantee if the checkpoints will allow us to go back to Manila after 2-3 days. Most probably, they will send us back to Baler or we have to be quarantined for 14 days or so in Baler or in between towns," aniya.
"I do not blame anyone for the situation. My sense of judgement and reason fully understood the consequences. I just need to express something that is too much bear," dagdag ng aktor.
Sa huli, humiling si John na ipagdasal ang kaniyang pamilya at ang kaniya ama. --FRJ, GMA News