Dahil sa umiiral na community quarantine sa Luzon, nananatili muna ngayon sa
Puerto Galera ang "Wowowin" host na si Willie "Kuya Wil" Revillame. Mula rito ay nagbigay siya ng mensahe sa publiko sa kahalagahan na sundin ang direktiba ng pamahalaan.
"Alam po ninyo itong enhanced community quarantine eh napaka-importanteng importante po sa buhay nating lahat. Feeling ko dapat sundin natin ito para po sa atin lahat ito," saad niya.
"Ito po ang panahon na tayo dapat magsama-sama talaga. Hindi lang po Pilipinas buong mundo ang nagsa-suffer sa coronavirus na ito," patuloy niya.
Bukod sa panawagan na sundin ang direktiba ng gobyerno tungkol sa quarantine, inihayag din ni Kuya Wil ang mga ginagawa niyang paraan kung papaano makatutulong sa mga apektado ng kasalukuyang sitwasyon sa bansa. Panoorin.
--FRJ, GMA News