Manigo ang bagong taon ni Kuya Wil nang matipuhan niya ang isang dalaga na posibleng kanya nang maging forever.

Sa programang "Wowowin," napili ni Kuya Wil mula sa studio audience si Carmela ng Bulacan, na Indian ang tatay at Pilipina naman ang nanay.

Nakita na agad ang pagiging simple ni Carmela, dahil okay lang daw sa kanya kahit sa karinderya sila mag-date ni Kuya Wil. Siya na nga kaya ang forever ng Wowowin host? Panoorin.

—Jamil Santos/LBG, GMA News