Mistulang naging kakambal na ng Kapuso anchor na si Arnold "Igan" Clavio ang kaniyang puppet sidekick sa "Unang Hirit" na si "Arn-arn." Alamin kung sino ang tao sa likod ng naturang puppet at bakit nga ba bigla na lang nawala sa telebisyon si Arn-arn. Panoorin.

Sa ika-20 taon ng programang "Unang Hirit," hinanap ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang lalaki sa likod ng boses at nagpapagalaw kay Arn-arn na si Danilo "Totong" Federez.

Ayon kay Mang Totong, bata pa lang siya ay mahilig na siya sa puppet at kung minsan ay ginagawang puppet ang supot ng pandesal.

Kaya naman nang maisipan ng "Unang Hirit" na hanapan ng sidekick si Arnold sa para segment na "Good News, Bad News," doon na pumasok sa telebisyon sa Arn-arn at si Mang Totong.

Pero noong 2017, may nangyaring hindi maganda sa kalusugan ni Mang Totong na naging dahilan para maospital siya at kinailangan nang mahabang gamutan at pagpapagaling.

Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang sorpresang pagbisita ni Arnold kina Arn-arn at Mang Totong, at ang rebelasyon din ng Kapuso anchor kung sino ang aktres na reregaluhan niya noon ng puppet. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News