Hindi mapigilan ni Ynah na maging emosyonal nang ibahagi sa "Wowowin" ang kaniyang pinagdaanan at ang kasalukuyang pagsubok na kinakaharap ng kanilang pamilya dahil nakaratay sa ospital ang isa nilang kapatid dahil sa sakit.
Ang kaniyang ina na si Nanay Gigi, inilabas din ang hinanakit dahil sunod-sunod na nag-asawa ang kaniyang mga anak, at ngayon ay patuloy silang humahanap ng paraan para sa pagpapagamot ng isa niyang anak. Panoorin ang kanilang kuwento sa video na ito.
Kasabay nito, hindi rin nagdalawang-isip si Willie Revillame na magpaabot ng kaunting tulong kay Nanay Gigi upang may pantustos ito sa pangangailangan ng anak na nasa ospital.
Click here for more Wowowin videos:
--FRJ, GMA News
