Isa nang ganap na Philippine Navy reservist si Rocco Nacino.

Inanunsyo ni Rocco sa kaniyang Instagram nitong Sabado na nakuha na niya ang kaniyang certificate of completion matapos sumailalim sa Basic Civilian Military Training at Physical Fitness Test.

Ayon kay Rocco, hindi ito pagmamayabang kundi hangad niyang mahikayat ang kabataan na maging pagmamahal sa bayan at maging disiplinado.

 

 

"Ready to work my way up! All of this not to brag, but to be of service by motivating the youth to embrace patriotism and instill discipline while early in their lives. Para sa Bayan, para sa Kinabukasan! #PhilippineNavy #Reserve" caption ni Rocco.

Nagpalista si Rocco bilang reservist ng Philippine Navy nitong Agosto, na kaniya raw "childhood dream."

Matatandaang nag-training na rin si Rocco sa ilalim ng Philippine Army para sa Philippine adaptation ng "Descendants of the Sun." Kasama niyang sumabak sa intense training sina Dingdong Dantes, Prince Clemente, Jon Lucas, at Lucho Ayala. — Jamil Santos/DVM, GMA News