Marami ang naintriga at umani ng iba't ibang reaksyon ang larawang ipinost ni Clint Bondad sa Instagram kasama ang Thai trans woman na si Anne Jakrajutatip.
Si Anne ay chief executive officer ng isang media company sa Thailand.
Sa post ni Clint, nilagyan niya ito ng caption na, "With my Sidekick."
"Based on how many girly punches and half ass kicks I received for being the funniest and most charming person ever I must be with the worst Muay Thai instructor in the world. I actually don't mind if you only like me because of my money @annejkn.official it's always a fun time."
Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, sinabing nagpapasalamat si Anne sa pagtanggap daw sa kanya ni Clint. Pero 'di nila direktang sinagot kung ano ang real score sa kanila.
Ang isa lang sa mga sinabi ni Clint, mag-give up na ang mga nagtatanong kung magkaka-second chance pa sila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Nagkahiwalay sila dalawang buwan matapos koronahan si Catriona.
Sa comment section ng naturang post, may mga pumuna at sumuporta kay Clint kahit hindi naman malinaw kung ano ang tunay na relasyon niya kay Anne.
Pero tila hindi naman napipikon ang aktor sa mga negatibong komento.
Tugon ni Clint sa isa niyang follower na natutuwa sa game na pagtugon niya sa mga "hate" comments, "They are not hate comments. They technically are support comments if you look at them the way i do. But i also know what you mean."
Sabi naman ni Clint sa isang nagpayo na i-off na lang ang comment section, "Never. Discussion is needed to evolve and will continue regardless if not here then somewhere else. Only cutting it off when some would get hurt through my influence. I always ask for permission and explain what to expect if needed. But i also make mistakes. Peace. Love. Happiness." -- FRJ, GMA News