Masaya at masigla si Dani Porter kahit pa siya ang natanggal sa nakaraang episode ng "Starstruck." Sa pagkakaalis ni Dani, anim na lang ang natitira sa naturang kompetisyon.

Sa kaniyang "final vow," puno ng sigla si Dani na nagpasalamat sa kaniyang ina, fans at miyembro ng "Starstruck" councils at sa mga host.

Dahil masaya, natawang biniro ni Council member Jose Manalo si Dani na magpapaalam na siya.

Ang pasigaw na huli niyang mensahe sa "Starstruck," "Rock and roll!"

Sa kanilang bida-kontrabida artista challenge nitong weekend, nakakuha si Dani 82.8% na pinakamababa sa mga babae, habang si Abdul Raman ang may pinakamababang boto sa mga lalaki na 84.7%.

Ang anim na natitirang artista hopefulls ay sina Lexi Gonzales, Shayne Sava, Pamela Prinster, Kim de Leon, at Allen Ansay - 91.3%.

Ang pinakabagong twist sa kompetisyon, ipinareha ang pitong survivors sa mga StarStruck alumnus para gabayan sila hanggang sa mapili ang mga mananalo.

Nakapareha ni Shayne Sava si Katrina Halili; si Yasmien Kurdi kay Lexi; si Kim at Mark Herras; Pamela at LJ Reyes;  Abdul at Miguel Tanfelix; Dani at Chariz Solomon at sina Allen at Kris Bernal.-- FRJ, GMA News