Ipinakilala ng GMA Network ang pinakabago nitong girl group na XOXO, na binubuo ng "The Clash" contenders na sina Muriel (Riel) Lomadilla, Melbelline (Mel) Caluag, Lyra (Lyra) Micolob at Danielle (Dani) Ozaraga.
"Ang meaning po ng XOXO is 'hugs and kisses...' since friends po kami, naisip nila na gumawa ng grupo na mag-i-evoke ng friendship, sincerity, faith, love at women empowerment," saad ni Riel sa media conference ng XOXO nitong Biyernes sa Quezon City.
Kapuso Network launches its new girl group XOXO, composed of Melbelline Caluag, Lyra Micolob, Muriel Lomadilla and Danielle Ozaraga. @gmanews pic.twitter.com/ZEf1Xs7ZLu
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) August 23, 2019
They will now be known as Mel, Lyra, Riel and Dani @gmanews pic.twitter.com/o5Y5YuVOCG
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) August 23, 2019
Ayon sa composer at musical director na si Vincent de Jesus, na isa sa mga gumagabay sa grupo, malapit sa British girl group na Little Mix ang peg nila.
"Siguro mas close siya sa Little Mix pero mas mature ang Little Mix. So early 20's na Little Mix... At the same time, may mga kanta rin silang OPM from the 90's pero updated na flavor ngayon," ayon kay Vincent.
Kaya naman iba't ibang genre at malawak ang range ng mga kanta na kayang gawin ng grupo, tulad ng OPM, Ballad, Pop, R&B at Broadway, sabi pa ni de Jesus.
Newest Kapuso girl group XOXO sings Better Days by Dianne Reeves. @gmanews pic.twitter.com/aQMpFA7AD9
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) August 23, 2019
"Siyempre after po ng The Clash, hindi naman po kami perfect na singer, kailangan din po namin ng improvement or idevelop pa 'yung talent namin. So 'yung binigay na singing workshop ng GMA, nagkaroon po sila ng idea na bumuo ng girl group. So based on that, chosen po kami na makasama na bumuo ng girl group," kuwento naman ni Lyra.
Nagpasalamat ang grupo sa paggabay sa kanila ni Vincent at award-winning dancer at choreographer na si Joe Abuda.
Inilahad ng grupo ang kanilang pagkakaiba sa iba pang girl group.
"'Yung different po ngayon, kasi iba-iba po 'yung genre na nakasanayan namin. 'Yung ngayon po, kailangan po naming maging isa lang po ngayon," ayon kay Mel.
"Over the course of the training po kasi we've learned how to be different in a way but still be united. We bring something different to the table but once we are united together, may harmony," paliwanag ni Riel.
"Kung sa bosesan lang po, iba-iba po kami ng mga genres, so 'pag pinagsabay-sabay po kami, mas buo po 'yung make-create na sound," ani Dani.
Bago pa mabuo ang grupo, Broadway at OPM na ang background ni Mel. Peg naman ni Lyra ang R&B Soul tulad ng mga singers na si Mary J. Blige at Alicia Keys.
R&B naman ang background ni Riel at idolo si Beyonce. Malaki naman aniya ang impluwensiya ni Mariah Carey kay Dani.
The four are former contenders of GMA’s reality singing competition The Clash. @gmanews pic.twitter.com/bwPHCKg1GY
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) August 23, 2019
Inanunsyo ng grupo na maglalabas sila ng dalawang single sa ilalim ng GMA Music.
Ila-launch ang XOXO sa darating na Sabado sa "Studio 7."--FRJ, GMA News