Dalawang babae ang mapalad na nananalo ng house and lot sa "Eat Bulaga" na bahagi ng ika-40 taong selebrasyon ng longest running noontime show sa bansa.

Magkahiwalay na pagkakataon bumunot ng susi sina Jhonelyn ng Puerto Princesa at Jessica ng Caloocan, na masuwerteng nakapagbukas ng kandado para manalo ng tig-isang bahay mula sa Bria Homes.

Labis ang pasasalamat ni Jhonelyn sa pagkapanalo dahil wala umano silang bahay at nangungupahan lang.


Sunod namang nanalo sa isa pang bunutan si Jessica ng Caloocan City, na halos hindi matigil sa pag-iyak dahil sa kasiyahan.


Dahil 40th year anniversary, 40 dabarkads ang napiling makalahok sa naturang pakontes ng "Eat Bulaga."--FRJ, GMA News.