Tatlong pelikula na entries para sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 ang magsisilbing tribute para sa mga "living legend" ng Philippine cinema na nagdiriwang ngayon ng ika-100 anibersaryo nito.
Ang tatlong pelikula ay sa ilalim ng "Sandaan" showcase, na kasabay na ipalalabas ng pitong feature films mula Setyembre 13 hanggang 19, 2019.
"Para po sa ating Sandaan film showcase ngayon, this is our way to really give... sa mga living legends po natin na talagang nagbigay-daan para lalong kuminang ang pelikulang Pilipino," saad ni Film Development Council of the Philippines chairperson and CEO Mary Liza Diño.
Ang PPP 2019 ay may temang "Pamilya, Pagkakaibigan, Pag-ibig," mga genre na kadalasang nakikita sa mga pelikulang Pinoy.
Ang tatlong pelikula ay ang mga sumusunod:
"Circa." Tungkol ito kay Doña Atang, isang celebrated film producer sa mga unang taon ng Philippine cinema, na nagdiriwang ng kaniyang ika-100 taon. Birthday wish niya na maka-reunion ang mga aktor at staff na kaniyang nakatrabaho sa nakaraan.
8. Circa @gmanews pic.twitter.com/OqKRxeMd7v
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) July 11, 2019
Sa direksyon ni Adolfo Alix Jr., pagbibidahan ito nina Anita Linda, Gina Alajar, Laurice Guillen, Jacyln Jose, Elizabeth Oropesa, Ricky Davao, at Enchong Dee.
May special participation din dito ang yumanong beteranong aktor na si Eddie Garcia.
"Lola Igna." Si Lola Igna na bastos ang bibig at matigas ang ulo ay gusto nang mamatay, ngunit gusto ng kaniyang mga kapitbahay na manalo siya bilang "the oldest living grandmother in the world." Makikita siya ng kaniyang great-great-grandson na si Tim, isang aspiring vlogger na magbibigay sa kaniya ng bagong rason para mabuhay.
9. Lola Igna @gmanews pic.twitter.com/MKnTEUf4ED
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) July 11, 2019
Sa direksyon ni Eduardo Roy, Jr., bibida rito si Ms. Angie Ferro bilang si Lola Igna. Kasama rin sa cast sina Yves Flores, Meryll Soriano, at Ma. Isabel Lopez.
"Pagbalik." Matapos magtrabaho sa abroad, si Rica na nasa 50s na ay maninirahan kasama ang 85-anyos na inang si Choleng, hanggang sa makahanap siya ng bagong trabaho. Ngunit malalaman niya ang mga ginawa ng kaniyang ina sa mga taong nag-abroad siya.
10. Pagbabalik @gmanews pic.twitter.com/ItVQ2bEoZ2
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) July 11, 2019
Sa direksyon nina Hubert Tibi at Maria Ranillo, pagbibidahan ito nina Gloria Sevilla, Suzette Ranillo, and Vince Ranillo. —LBG, GMA News