Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan ni Aira Bermudez ang kaniyang pagiging Sexbomb dancer na napanood sa "Eat Bulaga." Kasabay nito, ikinuwento rin niya kung ano ang nangyari sa pagkawala ng grupo sa naturang longest-running noontime show.
Sa panayam ng host na si Rhea Santos, sinabing 16-anyos pa lamang si Eiraliz Bermudez o Aira, nang una siyang sumabak sa original Sexbomb dancers sa Eat Bulaga noong 1996.
Kasabay ng tuloy-tuloy na kasikatan ng all-female dance group, nagkaroon din si Aira ng ibang shows kasama ang iba pang kagrupo, at kinukuha rin ng Danz Focus Junior at Danz Focus Senior.
Dahil dito, tinawag siyang "highest paid dancer na dapat i-wheelchair na" dahil sa kaniyang walang kapahingahan.
Nagkaroon pa ng afternoon show ang SexBomb na Daisy Siete (2003) na umabot ng pitong taon.
Binalikan din ni Aira ang dahilan kung bakit nawala ang Sexbomb sa Eat Bulaga noong 2006, at tuluyan silang nabuwag.
"Si Miss Joy Cancio, medyo bumagsak that time," saad niya. "Tapos yung ibang Sexbomb, iba na yung gusto. Iyong ibang Sexbomb nag-business, yung iba family. Parang wala na siyang Sexbomb; Si Mia, ako, kami-kami na lang. Tapos na-depress na nga siya, tapos ina-out niya na. Parang na-hang lang kami."
Ikinuwento rin ni Ira kung ano ang ginawa ng natirang miyembro ng grupo nang nawala na sila sa "Eat Bulaga." Panoorin ang buong panayam.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News