Sa edad na 27, gusto na raw magkaroon ng anak ng Kapuso actress na si Ashley Rivera.
Two years na raw kasing single si Ashley at sana raw, sa susunod na makilala niyang guy ay iyon na ang “the one” para sa kaniya.
“At my age now, feeling ko gusto ko nang maging mommy.
“Ayoko na kasing paabutin pa sa edad na 35 or 40 bago ako magkaroon ng baby.
“Kung puwede ngang mabuntis na ako agad-agad, why not?
“Siguro naiinggit lang ako sa ibang mga kaibigan ko na may mga anak na.
“May iba na silang pinagkakaabalahan and I feel na I want that also.
“Pero sana afam [foreigner] ang maging ama ng first baby ko.
“Gusto ko kasi na maganda ang kulay ng mata ng baby ko at mas mapaganda pa ang lahi namin!
“Sana may silbi ang pagpapa-blonde ko ng buhok!” tawa pa ni Ashley.
Dahil two years na siyang single, marami raw sa mga friends niya ang gusto siyang ipa-blind date.
Pero si Ashley na ang nagsasabi na pass muna siya sa dating dahil twice na raw siyang nalinlang ng mga naka-date niyang lalaki.
“Sa totoo lang, ayoko nang matanso ng mga bading!
“Hindi ko alam kung magnet ako sa mga ganyan o gusto lang nila akong gawin props.
“After my breakup, I tried going back to dating.
“I met this guwapong male model and we went out.
“Pero the next day, may tumawag na beki sa phone ko at inaway-away ako.
“Siya raw yung boyfriend ng model na naka-date ko.
“Then, I met and dated another male model. Ganun din pala! Inaway-away ako ng beki partner niya!
“Kaya I gave up na on dating. Ayoko na muna at parang na-traumatize ako.
“Much better na hintayin ko na lang siyang dumating.
“Siguro naman God has someone for me and he's just out there,” panalangin niya.
nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng GMA-7 primetime teleserye na "The Better Woman."
Sa teleserye, gumaganap si Ashley bilang si Chesi, best friend and roommate ng isa sa kambal na ginampanan ni Andrea Torres.--For the full story, visit PEP.ph