Masaya si Romnick Sarmenta para sa dating asawa na si Harlene Bautista na napapabalitang mayroong bagong karelasyon ngayon.
Sa Star Bites report ni Aubrey Carampel sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing Oktubre noong nakaraang taon nang maghiwalay sina Romnick at Harlene matapos ang 19 taon na pagsasama.
"The best way to put it would be is that I see that she's doing well, she's happy... It's okay, we're good. The most important thing for me is to make sure na maayos 'yung mga bata," saad ni Romnick.
Ngunit sinisiguro naman ni Romnick na makita pa rin ang kanilang limang anak kahit magkahiwalay na sila ni Harlene.
"We try to see each other as much as possible. Pagka puwede, they sleep over at my place," saad niya.
Muli namang binigyang-linaw ni Romnick na hindi third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
"It's definitely not because of as others might think, it's not because of any third party on anybody's part and we're able to agree na, I guess it's not working for us anymore," paliwanag ng aktor.
Balik-Kapuso si Romnick na may bagong proyekto na action series, kung saan gaganap siya bilang ang ama ng lead character na si Gabbi Garcia.
Gagampanan ni Millennial It Girl ang karakter ni Rosa.
"After decades, kasi 'yung huli akong mag-action mga 20, 20 plus lang ako e... Tapos in a sense parang reunion din namin ni direk Toto kasi we did a film before under Seiko films na medyo action thriller," sabi ni Romnick.--Jamil Santos/FRJ, GMA News