Tuwing buwan ng Mayo ginagawa ang Flores de Mayo at Santacruzan. Alam ba ninyo ang pagkakaiba ng dalawang uri ng tradisyon na ito ng mga Pinoy na nilalahukan ng mga naggagandang dilag at may kasama pang makisig na escort, o kaya naman ay mga bata?
Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Huwebes,
sinabing nag-enjoy ang Kapuso actor sa pagsali niya bilang escort sa Santacruzan sa Macabebe, Pampanga.
Hindi nga daw alintana ni Derrick ang pagod sa paglalakad sa prusisyon dahil sa nag-e-enjoy siya tuwing sumasali sa Santacruzan.
Sa hiwalay na ulat ni Nelson Canlas, ipinaliwanag niya na ang Santacruzan ay isang religious procession ng iba't ibang karakter na nasa bibliya.
Magtatapos ito sa isang magandang dilag na may hawak na krus at may katabing bata.
Sinisimbulo nito ang paghahanap ni Reyna Elena at ng kaniyang anak na si Constantino sa krus na pinagpakuan ni Hesus.
Ang Flores de Mayo naman ay ang parada ng magagandang dalaga na nakasuot ng makukulay na gown hango sa mga bulaklak na namumukadkad tuwing Mayo.
Magtatapos naman ito sa pag-aalay nila ng mga bouquet sa imahen ng Birheng Maria.
Pero sa paglipas ng panahon, unti-unti na raw namamatay ang mga tradisyong ito dahil tumatamlay na ang interes ng mga kabataan ngayon.
Upang panatili itong buhay, muling magbabalik sa Manila Hotel ang makulay na tradisyon pagkaraan ng 19 na taon.
Nasa 30 designer umano ang nagtulong-tulong para ibida ang mga Maria Clara outfit na moderno at tradisyunal. -- FRJ, GMA News