Nakita si Clint Bondad na may kasamang babae sa premiere night ng horror movie na "Maledicto," na pinagbibidahan ni Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith.
Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing umiwas si Clint sa mga tanong ng press tungkol sa kasama niyang babae.
"I don't know what you mean," matipid na sagot ni Clint, na kasama sa Kapuso series na "Love You Two."
Tinanong din si Clint kung friends pa sila ng dati niyang nobya na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
"You have to ask her about that, I don't know," sagot niya.
Present sa naturang premiere ng "Maledicto" na sina Tom at Jasmine. Kasama rin sa cast sina Miles Ocampo, Inah De Belen at Eric Quizon.
Sinabi ni Jasmine na proud siya sa kinalabasan ng pelikula kahit kabado dahil kasabay nila ang showing ng Hollywood blockbuster film na "Avengers: Endgame."
Dumalo rin sa premiere sina Carla Abellana, Jake Vargas at Dennis Trillo.-- FRJ, GMA News