Balikan ang tinutukang kuwento ng buhay ng tinaguriang "Big Papa" ng social media na si Dante Gulapa sa nakaraang episode ng 'Magpakailanman.
Sa naturang episode, kabilang sa ibinahagi ni Dante ang hindi niya malilimutang una niyang solong paggiling bilang macho dancer kung saan binayaran siya ng P500.
Dahil labag sa loob niya ang naturang pagsayaw noon at napilitan lang dahil na rin sa request ng isang kostumer, sinabi ni Dante na napaiyak siya habang nagsasayaw.
Panoorin ang buong panayam kay Dante sa video na ito:
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News