Sa programang "Mars," ibinahagi ng Kapuso actor na si Gardo Versoza na wala siyang preparasyon at bigla lang pumasok sa isip niya na alukin ng kasal ang kaniyang long-time partner na si Ivy, na karelasyon niya sa loob ng 13 taon.
Ano nga ba ang dahilan at bigla siyang nag-propose kay Ivy, at baliin na rin ang nauna niyang sinabi sa kaniyang ina na hindi siya magpapakasal? Panoorin ang kaniyang kuwento sa video na ito ng "Mars."
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News