Bagong naging isa sa mga kilalang Kapuso comedian, matagal na munang nagtrabaho behind the scenes ng GMA shows si John Feir. At ang naghikayat sa kanila na lumabas na sa telebisyon, sina Janno Gibbs at Joey de Leon.

Sa programang "Tunay Na Buhay," sinabing nasa showbiz na noon pa man si John Feir bilang Production Assistant sa "Lunch Date" (1986) at "Salo-Salo Together" (1993). Bukod dito, naging Executive Producer din siya ng "That's Entertainment."

Ngunit taong 2003 nang mapanood na siya on-cam, habang floor director pa siya ng "Nut's Entertainment" (2003). Isa raw si Janno sa mga naghimok sa kaniya na subukan ang pagiging komedyante, at si Joey ang nagbansag sa kaniya na "Belly Flory."

Matapos nito, nagtuloy-tuloy na ang buhay-showbiz ni John, na napanood sa "Ang Mahiwagang Baul" (2005) bilang si Rextor, "Idol Ko Si Kap" (2005), "Alyas Robinhood" (2016), "The Cure" (2018) at "Pepito Manaloto" (2010).

Ibinahagi ni John ang kanilang secret formula sa tagumpay ng "Pepito Manaloto," na isa raw sa mga pinakapaborito niyang proyekto. Panoorin.

--FRJ, GMA News