Mapapanood na sa Kapuso Network ang aktres na si Kiray Celis. Kabilang siya sa cast ng bagong teleserye ng GMA na "Luv U 2", na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.
Sa artikulo ni James Patrick Anarcon sa PEP.ph nitong Martes, sinabing kabilang si Kiray sa mga dumalo sa story conference na ginanap noong Biyernes, December 14.
Bukod kina Jennylyn, Gabby at Kiray, kasama rin sa serye sina Shaira Diaz at Sheena Halili.
Ang "Luv U 2," ang ikalawang teleserye na gagawin ni Shaira mula nang lumipat sa GMA.
Una siyang napanood sa Kapuso primetime series na Pamilya Roces.
"UNEXPECTED!! sobrang saya, excited, naiiyak at kinikilig ako!! Excited na akong makatrabaho sila. Thank you so much Lord for all the blessings!! Thank you so much @gmanetwork !! SOON on GMA!," sabi ni Shaira sa kaniyang Instagram po.
May hiwalay ding Instagram post si Gabby kung saan inihayag niya ang pananabik sa bago niyang proyekto, kasunod ng matagumpay na afternoon series na "Ika-6 na Utos."
"For the 1st time on GMA PRIMETIME. A new Romantic Comedy Teleserye with @mercadojenny and the cast. Supported by the Network, a team of brilliant and intellectual writers, director, prod.staff and crew. Abangan sa 2019," anang aktor.
Ang Luv U 2 ay ididirek ni Irene Villamor. -- For more showbiz news, visit PEP.ph