Ipinasa ni Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters ang korona sa bagong Miss Universe 2018 na si Catriona Gray ng Pilipinas sa katatapos na koronasyon na ginanap sa Thailand nitong Lunes ng umaga.

 


Si Catriona ang ika-apat na Pinay na nakasungkit ng naturang korona kasunod nina Pia Wurtzbach (2015), Gloria Diaz (1969) at Margarita Moran (1973).

Ang kandidata na si Miss Venezuela ang 2nd runner-up, at naging 1st runner-up naman si Miss South Africa.

Rumampa si Catriona na suot ang korona sa kaniyang red evening gown na gawa ni Mak Tumang, na siya ring nagdisenyo ng iba pa niyang gown na ginamit sa preliminary ng kompetisyon.

Sa kaniyang huling pananalita, tinanong si Catriona kung ano ang pinakamahalagang aral na kaniyang natutunan sa buhay. Tugon niya:

"I work a lot in the slums of Tondo, Manila and the life there is very…poor and it’s very sad. And I've always taught myself to look for the beauty in it. To look in the beauty in the faces of the children and to be grateful. And I would bring this aspect as a miss universe to see situations with a silver lining and to assess where I could give something, where I could provide something as a spokesperson and this I think, if I could teach people to be grateful, we could have an amazing world where negativity could not grow and foster and children could have a smile on their faces."

Sa Top 5 Q&A, tinanong si Catriona tungkol sa kaniyang pananaw na gawing legal ang medical  marijuana. Sagot niya:

"I am for being used in a medical use, but not so for recreational use because I think if people were to argue, what about alcohol and cigarettes? Everything is good but in moderation."

Bago ang koronasyon, maugong na kabilang si Catriona sa mga paboritong kandidata na makapag-uuwi ng korona.

Sa coronation night, muling ipinamalas ni Catriona ang kaniyang "signature twirl" o ang pagrampa niya na may mabagal na pag-ikot na dahilan para humanga rin ang commentator na si Carson Kressley.

"Oh wow, a slow-mo turn! And then she goes on into giving us great face that great attitude. She’s killing the game here," sabi ni Carson.

Bago sumabak sa Miss Universe, sumali na rin si Cationa sa Miss World noong 2016, kung saan nakapasok siya sa Top 5.— FRJ, GMA News