Inihayag ng bagong Kapuso heartthrob at "Pamilya Roces" actor Manolo Pedrosa na gusto niyang maka-love team si Kate Valdez.

"Actually, when I met her it was my first ever guesting sa GMA, Charade of Stars. My first impression with her was very mahinhin. And I also watched clips of her in YouTube for 'Onanay,' nagagalingan ako. I think to myself, ang laki ng potential [niya]," saad ni Manolo sa interview sa kaniya ng GMA News Online sa press conference ng The Color Run Hero Tour sa GMA Network noong nakaraang linggo.

 

 

"I think na hopefully we can work together tapos if maging love team, eh 'di masaya," dagdag pa ni Manolo.

Tinanong si Manolo kung nagkasama na ba sila ni Kate sa isang show o guesting sa mga Kapuso shows. "No not yet, hopefully soon," nakangiti niyang sabi.

Agree daw si Manolo na bukod sa matangkad, pang-beauty queen din ang ganda ni Kate. "Yes, yes! Exactly!"

Bukod dito, masaya rin si Manolo na katrabaho niya si Gabbi Garcia sa "Pamilya Roces," na isa sa mga dalagang gusto niya ring makasama sa isang project.

Challenging daw ngayon ang karakter ni Manolo lalo't tila may nabubuo nang love triangle sa kanila nina Jade Roces (Gabbi) at Pearl Renacia (Jasmine Curtis-Smith).

"Siyempre naninibago ako kasi, it's kind of parang love triangle na rin with Jasmine and Gabbi, so 'yun, masaya ako na nakaka-experience na ako ng ganu'n."

Enjoy aniya ang aktor sa kaniyang pag-acting ngayon, kaya mapa-leading man man o iba pang role, ay tatanggapin niya.

"I'm sure naman every one my age po would want to be a leading man, so 'yun po. Pero siyempre since I like acting, I want to experience everything as much as possible. Siyempre kung mabigyan ako ng role, kahit hindi leading man, I would do it."

"Kahit kontrabida nga eh I want try eh, like how to become a villain. That interests me so, there's no specific role that I want. I just want to act, kahit ano man," sabi pa ni Manolo.-- FRJ, GMA News