
Labis ang kasiyahan ni Sophie Albert dahil nakakatrabaho na niya ang mga bigating artista ng GMA Network kahit bago pa lang siya bilang Kapuso artist. Inamin din ng aktres na minsan siyang napagalitan ng kanilang direktor sa Kapuso hit series na "Pamilya Roces." Alamin kung bakit.
Sa artikulo ni Rommel Gonzales sa PEP.ph nitong Lunes, sinabi ni Sophie na masaya siya sa takbo ng kaniyang career bilang Kapuso.
“Siyempre masaya ako, kasi hindi ko ine-expect na… wala akong expectation na may mangyayari or what.
“Kasi nga siyempre from TV5, paglipat dito start from zero pa ulit, kayod ka ulit hanggang sa makakuha ng magandang role, ganun.
“So hindi ko in-expect na ganito yung mangyayari.
“So masaya ako na nabibigyan ako ng magagandang role ng GMA, ganun.
“Sobrang saya,” pahayag ni Sophie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pamilya Roces kamakailan sa Prime Hotel sa Quezon City.
Unang regular show niya sa GMA ang Pamilya Roces, pero marami na siyang naging guest appearances sa iba't ibang shows ng network.
Ang iba ay mga guest appearances.
Lahad niya, “Dear Uge, TOTGA [The One That Got Away], Sherlock Jr.
“Parang in fairness naman, kahit never akong nagkaroon ng regular show, lagi naman nila akong nabibigyan ng mga kung anu-ano.”
Kabilang sa madalas niyang kaeksena ang batikang aktres na si Elizabeth Oropesa na gumaganap na kwela niyang ina.
“Hay naku, nadadala niya ako palagi,” bulalas ni Sophie.
“Kasi nung simula, medyo naninibago ako sa character, kasi yun nga, medyo soft-spoken ako, mahinhin, ganyan.
“E, pag babaeng bakla ka kailangan bongga ka.
“So buti na lang yung first taping ko lahat ng eksena ko kasama ko si Nanay Oro.
“So medyo nali-lift niya ako sa ano, sa pag-arte, natuturuan niya ako, ganun.
“Sobrang galing niya, napapanood ko nga siya parang sobrang effortless naman.’
Hindi rin daw makapaniwala si Sophie na makakatrabaho niya agad at ka-love triangle sa srye ang idol niyang si Carla Abellana.
“It’s a big ano for me, kasi si Carla idol ko siya, and napapanood ko siya and all.
“Surreal, tsaka kami yung nagtatarayan, nag-aanuhan, so marami kaming scenes na together talaga.
“Nakakatuwa, kasi yun nga, never…
“I never expected na it would happen this soon, na makaka-work ko na yung mga bigating artista ng GMA.
“Nakaka-proud,” pahayag niya.
Bigatin maging ang direktor nila na si Joel Lamangan.
Saad niya, “Na-excite ako, kasi siyempre exciting mabigyan ng chance to work with a director as heavy as Direk Joel.
“Pero siyempre it keeps me on my toes, kasi ayokong magkamali, ayokong masigawan, ayokong mapagalitan, ganun.”
Pag-amin ng aktres, napagalitan siya ni Direk Joel dahil naligaw siya patungong taping sa Batangas at na-late siya ng forty-five minutes.
“Oo, na-late ako, so sinabihan niya ako na, ‘I’m gonna monitor you starting now,’ ganyan-ganyan.
“Siyempre nahiya ako, 'tapos after nun sabi ko, ‘Direk I’m so sorry’, ganyan-ganyan.
“Sabi niya, ‘It’s ok, just don’t do it again,’” paglalahad niya.
Sa pagka-late lang naman pala siya napagalitan, hindi sa acting niya.
Natatawa niyang pag-amin, “Hindi pa naman, hindi pa naman. Maraming, maraming salamat na hindi pa.”
“Oo, si Direk naman pag pinagalitan ka na, parang wala na, tapos na yun.” -- For more showbiz news, visit PEP.ph