Sa programang "Good News," pinasyalan ni Bea Binene ang mga sikat na Korean spots sa Pilipinas, na bukod sa makakapagbigay ng "Korean vibes," abot-kaya pa sa bulsa.

Kabilang na rito ang Korean spa sa Makati na may temang "jjimjilbang" o public bath houses, Korean cultural center sa Taguig para sa food trip, at shrine sa Bulacan na itinayo para sa kauna-unahang Korean-born na Katolikong pari. Panoorin ang video.

 

-- Jamil Santos/FRJ, GMA News