Inihayag ng aktor na si Luis Alandy na ang tunay niyang pangalan na Adrian ang nais niyang gamitin na bilang screen name.

READ: Nora Aunor, Wendell Ramos, Luis Alandy, balik-GMA sa kanilang proyekto

Ayon sa kaniya, ang desisyon ay nagmula sa kanilang dalawa ng kaniyang manager na si Noel Ferrer.

Pahayag ni Adrian, “It’s a new beginning for me.

“And parang after doing Citizen Jake, doon namin sinabi ni Noel na, 'Why not use my real name to make it more real, more personal career.'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Adrian sa special screening ng Citizen Jake ni Direk Mike de Leon sa U.P. Film Center noong March 23.

Pagkatapos ng screening ay lumapit si Adrian kay Direk Mike, mahigpit na yumakap, at naluha sa pagiging emosyonal.

Tinanong ng PEP.ph ang aktor kung bakit siya nadala ng kaniyang emosyon pagkatapos mapanood ang ginawang pelikula.

Tugon ni Adrian, “Ito kasi yung parang statement movie ko for my career.

“That I’ll be able to work with Direk Mike. Sobrang fulfilling talaga sa akin.

"Talagang na-overwhelm ako with emotion dahil first time ko lang din napanood [yung movie]."

Ayon pa kay Adrian, “Ang hirap i-contain ng emotion.

“Kaya nung kinausap ko si Direk kanina, medyo... yung pinagdaanan ko kasi in the past... well, alam ni Sir Noel.

“Noong matanggap ako sa audition at sinabi yung gagawin ko, umiyak talaga ako.

“Para sa akin, malaking bagay para sa akin to prove myself.”

Sa pelikula, ginagampanan ni Luis ang karakter ng caretaker na si Jonie at kababata ni Atom Araullo bilang si Jake.-- For the full story, visit PEP.ph