Isa sa mga hindi makalilimutang ginawa ni Maine Mendoza sa nagdaang 2017 ang kaniyang pag-skydive habang nagbabakasyon sa Amerika. Sa naturang karanasan, may napagtanto din daw siya na bagay na dapat gawin sa buhay.
Sa kaniyang Instagram post, ikinuwento ni Maine [na nagbalik na sa 'Eat Bulaga' nitong Lunes], ang naramdaman niyang takot at saya sa kaniyang extreme experience.
"I have always wondered how it would feel to fly. How do birds feel when they soar through the sky. How it feels to see everything from up above. I was fortunate enough to experience this in the magic city— Miami," bahagi ng caption ni Maine sa kaniyang nakapost na larawan.
Habang nakaupo sa eroplano na maghahatid sa kanila sa himpapawid, aminado si Maine na kabado siya pero masaya dahil sa kaniyang gagawin. Pero nang tumulon na siya na kasama ang instructor; "I felt nothing but absolute bliss. For the most part, it felt unreal to me. It was breathtaking– literally, too. It was amazing. Best part is I didn’t pee my shorts! Seriously though, I cannot believe I actually did it; I took the ultimate plunge! I was so freakin scared but still I made it alive. Lol!"
Sa naturang karanasan sa pag-skydive, may napagtanto si Maine sa mga bagay na dapat gawin sa buhay; "It made me realize most of the things worth doing starts with being nervous or terrified. You just gotta take the leap and make it happen. You might just be amazed at what you could achieve and how far your jump can take you ONLY if you take the chance."
Dagdag pa niya, "Some things are always worth a try. At the end of the day, chances are you'll be thanking yourself for taking the risk because it made you happy... or at least alive."
Kasabay ng pagbati niya happy new year, hangad niya na magkaroon ng magagandang karanasan ang lahat ngayong 2018.
"I hope we all get to experience new things and collect wonderful memories this 2018! Happy New Year, everybody!," ayon sa Kapuso at "Eat Bulaga" dabarkads, ipinagdiwang ang pagsalubong sa 2018 na kasama ang pamilya.
Happy New Year!!!!!!!!!!! pic.twitter.com/BWy3D8b2JY
— Maine Mendoza (@mainedcm) December 31, 2017
-- FRJ, GMA News