Hindi man nakasama sa photo shoot ng "Bubble Gang" babes bilang November cover ng FHM Philippines, bilib at hanga si Andrea Torres sa kaseksihan ng kaniyang mga ka-"Bubble." Pero bakit nga ba hindi siya nakasama?
Sa Starbites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing kahit busy sa shooting ng "Meant To Beh," na entry sa Metro Manila Film Festival, hindi nakalimutan ni Andrea na batiin ang kaniyang mga kasamahan sa "Bubble Gang" na tampok bilang cover ng FHM.
Very proud si Andrea sa kaniyang mga kapwa ka-"Bubble" na sina Kim Domingo, Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Jackie Rice, Denise Barbacena, Arra San Agustin, Lovely Abella at Arny Ross.
IN PHOTOS: Bubble Gang girls come together for November FHM cover
Ayon kay Andrea, hindi nakasama siya nakasama sa grupo dahil busy siya sa taping ng Kapuso primetime series na "Alyas Robinhood" at sa movie na 'Meant To Beh."
Kahit may kaunting panghihinayang, happy naman si Andrea na bukod sa kaseksihan ng girls, na-reveal din ang friendship nila sa set ng "Bubble Gang."
Bilib si Andrea dahil maganda ang kinalabasan ng tila pajama party pictorial.
Humingi raw sa kaniya ng mga kasamahan ng tips sa pag-pose pero nakita raw niya na hindi na kailangan dahil natural na natural ang kinalabasan ng pictorial.
Tungkol sa kaniyang movie kasama sina Vic Sotto at Dawn Zuleta, makikita raw ang husay ni Andrea sa comedy. -- FRJ, GMA News