Naging bisita sa programang "Mars" ang celebrity doctor na si Manny Calayan kung saan tinalakay ang pangangalaga sa balat, at pati na ang acne o taghiyawat.
Naitanong na rin kay Doc Calayan kung may katotohanan na nagdudulot ng taghiyawat ang pagkain ng mani? Panoorin ang kaniyang tugon.
READ: Bakit tinitighiyawat ang mga babae kapag dumarating ang buwanang 'dalaw'?
Ayon kay Doc Calayan, hormonal ang dahilan ng pagkakaroon ng taghiyawat at normal na pagdadaanan ito ng tao, lalo na sa kanilang puberty age.
Karaniwan daw ang taghiyawat sa noo dahil na rin sa madalas na nakadikit dito ang buhok na sanhi ng iritasyon, at kung naiipunan ng dumi [tulad ng alikabok]. Idagdag pa ang kemikal na mula sa mga hair products na ginagamit.
Pinabulaanan din ni Dr Calayan ang paniwalang nakakataghiyawat ang pagkain ng mga mani, chocolate at oily na mga pagkain.
"Hindi totoo yan," tugon ni Doc Calayan nang tanungin ng host na si Suzi Entrata-Abrera tungkol sa mani kung nagdudulot ng taghiyawat.
"Mga chocolate, oily [foods], hindi totoo 'yan. Talagang dumadating 'yan [taghiyawat]," dagdag ng duktor.
Mungkahi ng doktor, huwag daw pisilin ang taghiyawat at "let the dermatologists do the works."
Tungkol naman sa pagkakaroon ng mga wrinkles o crow's feet, sinabi ni Dr Calayan na nangyayari talaga ito sa pagtanda ng tao, kung saan nawawala na ang mga muscles of facial expressions at collagen sa mukha kaya bumabagsak ang balat.
Tinalakay din ng doktor ang pagkakaroon ng sunburn, mga skintags o kuntil, warts, chicken skin at pagkaitim ng kili-kili.
Magbigay ng payo ang duktor kung paano mapapangalagaan ang balat. Panoorin ang talakayan.
-- Jamil Santos/FRJ, GMA News