(IMAGE Courtesy: @iamphytosramirez on Instagram)

May mga pasabog daw si Phytos Ramirez para sa kanyang fans sa mga mga susunod na buwan. At isa na rito ang pag-pose niya nang topless sa isang magazine sa unang pagkakataon.

Pahayag ng 22-year-old Kapuso actor , “Sinimulan namin sa Cosmo, e.

"So, medyo nanibago ako, kasi medyo sa pictorial, nagpakita ako ng katawan.

"First time ko gawin for Cosmo.

“Tapos, ngayon sa G.R.I.N.D. ng GMA, may makikita silang eksenang basta mae-excite sila.

"Mae-excite yung mga manonood."

Ang G.R.I.N.D. (Get Ready It's a New Day) ay ang weekly late-night series na napapanood sa GMA Network.

Handa na ba siyang magpakita ng katawan, na naka-brief o naka-boxers lamang?
Tugon ng Filipino-Greek actor, “Oo naman. Oo, okay lang sa akin.”

Hindi ba siya nahihiya?

Ayon kay Phytos, “Part na siya sa showbiz.

"I mean, aktor ako, so parang kasama na siya, parang art siya, e.

"So, ano naman... ako naman, okay lang na magpakita ng katawan."

Paano niya pinaghandaan ang pictorial para sa Cosmopolitan Magazine at sa pinaplano niyang pagli-level up sa kanyang karera?

“Araw-araw, training. Tumatakbo ako sa U.P. [University of the Philippines] every day.

"Tapos yung diet ko, puro gulay lang.

“Pero hindi ko pa talaga masasabing perfect talaga for Cosmo.

"Pero compared sa pinaggalingan ko, dun sa mga nakakilala sa akin dati na sobrang taba ko, di ba, na binigyan ako ng fat memo ng GMA dahil ang laki-laki ko.

"So, malaking achievement yun para sa akin," saad ng dating child star. -- For the full story, visit PEP.ph