Muling kikiligin ang mga music lovers sa bagong kanta ng bandang Lara Serena, kung saan lead singer ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.

Sinulat ni Chynna ang kanta kasama ang kaniyang mister na si Kean Cipriano at ng kaibigan nilang si Mark Carpio.

Sa kanta, ang isang umiibig ay nagtatanong kung magiging sila kaya ng nagpapatibok sa kanya.

"Sa isang sulyap, nabihag mo ang puso ko... Sa isang ngiti, nagbago ang damdamin ko.. Ang aking lumbay, napawi ng pagsamo mo. Ikaw na kaya, sagot sa dalangin ko?" —JST, GMA News