Sa isang lotto outlet na nasa loob ng isang mall sa Quezon City tinayaan ang winning ticket na nanalo ng P100,890,109.20 jackpot sa Lotto 6/42 draw noong nakaraang Martes.
Inihayag ito ng isang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes.
Ayon kay PCSO executive assistant Arnold "Bong" Arriola, tumaya ang masuwerteng mananaya sa isang lotto outlet sa SM City North EDSA.
Ang naturang winning combinations na lumabas sa naturang draw ng Lotto 6/42 ay 19-02-21-13-16-22.
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/939732/1-mananaya-panalo-ng-p100-m-jackpot-sa-lotto-6-42/story/
Wala namang tumama sa mga kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58 at Superlotto 6/49 nang araw na iyon.
Umabot sa P165,890,270.80 ang premyo sa Ultra Lotto 6/58, na ang lumabas na mga kombinasyon ng numero ay 21-52-23-11-10-05.
Samantala, 13-10-02-40-29-38 naman ang mga lumabas na numero sa Superlotto 6/49, na may premyong P32,428,638.40.
Sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Miyerkules, March, 19, wala namang tumama sa lumabas na mga kombinasyon na 16-38-37-25-36-04, na may jackpot prize na P141,037,812.40.
Wala ring tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na ang lumabas na mga numero ay 38-04-39-44-23-34, at may premyong P17,138,037.80. — mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News