Nasolo ng isang mananaya ang mahigit P100 milyon jackpot prize sa Lotto 6/42 draw nitong Martes, March 18, 2025.
Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na isa ang tumama sa lumabas na mga numero na 19-02-21-13-16-22, na may kabuuang premyo na P100,890,109.20.
Wala namang tumama sa mga kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58 at Superlotto 6/49.
Umabot sa P165,890,270.80 ang premyo sa Ultra Lotto 6/58, na ang lumabas na mga kombinasyon ng numero ay 21-52-23-11-10-05.
Samantala, 13-10-02-40-29-38 naman ang mga lumabas na numero sa Superlotto 6/49, na may premyong P32,428,638.40. —FRJ, GMA Integrated News