Nasa 39 na online content creators at influencers ang hindi sumipot sa pagdinig ng Kamara de Representantes nitong Martes tungkol sa "fake news" sa internet. Iginiit nila sa pag-isnab ang "freedom of speech."
Ang mga hindi sumipot sa pagdinig ng Tri Committee na binubuo ng Public Order and Safety; Public Information; at Information and Communications Technology ay sina:
- Jose Yumang Sonza
- Krizette Lauretta Chu
- Mark Anthony Lopez
- Allan Troy “Sass” Rogando Sasot
- MJ Quiambao Reyes
- Vivian Zapata Rodriguez
- Ethel Pineda
- Lorraine Marie Tablang Badoy-Partosa
- Jeffrey Almendras Celiz
- Lord Byron Cristobal (Banat By)
- Alex Destor (Tio Moreno)
- Aaron Peña (Old School Pinoy)
- Glenn Chong
- Manuel Mata Jr. (Kokolokoy)
- Elizabeth Joie Cruz (Joie De Vivre)
- Claro Ganac
- Claire Eden Contreras (Maharlika Boldyakera)
- Jonathan Morales
- Cyrus Preglo (Optics Politics)
- Maricar Serrano
- Ernesto Abines Jr. (Jun Abines)
- Atty. Trixie Cruz Angeles
- Julius Melanosi Maui (Maui Spencer)
- Darwin Salceda (Boss Dada TV)
- Elmer Jugalbot (Eb Jugalbot)
- Cathy Binag
- MJ Mondejar
- Suzanne Batalla (IamShanwein)
- Joe Smith Medina (Political Witch Boy)
- Jeffrey Cruz (JCCO / JJ Cruz)
- Alven Montero
- Kester Ramon
- John Balibalos Tan (Mr Realtalker)
- Edwin Jamora (Reyna Elena)
- Ma/ Florinda Espenilla-Duque (Pebbles Duque)
- Dr. Richard Tesoro Mata (Dr. Richard and Erika Mata)
- Ahmed Paglinawan (Luminous by Trixie & Ahmed)
- Ryan Lingo
- Ross Flores Del Rosario (Wazzup Philippines).
Samantala, ang online content creators/influences na dumalo sa pagdinig ay sina:
- Malou Tiquia
- Mark Louie Gamboa and
- Atty. Enzo Recto (Atty. Rico Tomotorgo)
May ilan naman na hindi dumalo ang nagsabing nasa labas sila ng bansa.
Bukod sa paggiit ng freedom of speech, kinuwestiyon din ng mga hindi dumalo sa imbestigasyon ang layunin at legitimacy ng ginagawang imbestigasyon ng Kamara.
Bagaman karamihan sa mga hindi dumalo ang nagpadala ng sulat, sinabi ni Abang Lingkod party-list Rep. Stephen Paduano, na depende pa rin sa dahilan kung katanggap-tanggap ang hindi nila pagsipot sa pagdinig.
Dahil dito, nagmosyon si Paduano na maglabas ng "show cause order" ang TriCom laban sa mga content creator na walang balidong dahilan sa hindi nila pagsipot sa imbestigasyon ng kapulungan.
Ang show cause order ay kautusan para hingan ng paliwanag ang resource person kung bakit hindi siya tumugon sa imbestigasyon ng Kamara, at kung bakit hindi siya dapat i-cite in contempt.
Inaprubahan ng komite ang naturang mosyon ni Paduano.
Iginiit naman ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, na naunang nag-privilege speech patungkol sa mga nagpapakalat ng fake news online, na isa sa mga dahilan ng ginagawang pagdinig ng TriCom, na hindi nila layunin na supilin ang kalayaan sa pamamahayag.
"We are gathered here today not to silence voices, suppress free speech, or curtail the constitutional right to freedom of expression. Instead, we are here to draw the line between responsible discourse and the deliberate, systematic abuse of digital platforms to spread lies, destroy reputations, and manipulate public perception," paliwanag ni Barbers.
"This hearing seeks to establish a regulatory framework for social media, similar to how the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) regulates television and radio broadcasters and how the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) upholds ethical standards for print media. Our goal is to develop a code of conduct for content creators, ensuring accountability and ethical responsibility in this rapidly evolving digital space," dagdag niya.
Nakasaad sa Article 3, Section 4 ng Saligang Batas na, "No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances."
Samantala, sinabi ni Atty. Harry Roque sa isang pahayag na target sa naturang pagdinig ng Kamara sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang kaniyang pamilya at mga kaalyado.
“It is no coincidence that the conduct of the joint inquiry happened after the announcement of House Secretary General that the three impeachment complaints vs. Vice President Sara Duterte is about to be transmitted to Speaker Martin Romualdez this week," ani Roque.
“We cannot expect fairness from this Kangaroo Court. From the very start, these influencers have been called and prejudged during the privilege speech of Representative Robert Ace S. Barbers as paid trolls and malicious vloggers. There is no other remedy but to find relief with the Supreme Court,where these embattled influencers and vloggers would have a fair fight. We are bringing the fight where it should rightfully be,” dagdag niya.— mula sa ulat ni Llanesca T. Panti/FRJ, GMA Integrated News