Namatay na dahil sa cancer si "Pangil," ang isa sa pinakamalaking saltwater crocodiles na nahuli sa Pilipinas, ayon sa Davao Crocodile Park and Zoo in Davao City.

Sa Facebook post, inanunsyo ng pamunuan ng parke na namatay si Pangil noong Enero 25 dahil sa komplikasyon mula sa metastatic squamous cell carcinoma.

Sa kabila ng isinagawang paggamot, kumalat na umano sa katawan ni Pangil ang cancer na dahilan para magkaroon ito ng multi-systemic organ failure.

“For decades, Pangil has been a symbol of strength, wonder, and the rich biodiversity of our country. He was not just an attraction at Davao Crocodile Park & Zoo; he was a treasured icon, inspiring countless visitors to appreciate the beauty and importance of wildlife,” ayon sa Davao Crocodile Park and Zoo.

“His incredible presence left a lasting impression on everyone who had the privilege of seeing him, reminding us all of the awe-inspiring creatures that inhabit our world,” dagdag nito.

Kasabay nito, nanawagan ang pamunuan ng parke na patulong protektahan at irespeto ang wildlife ng bansa, habang ipinagluluksa nila ang pagpanaw ng kanilang mahal na alagang si Pangil.

“As Pangil rests peacefully, we extend our deepest gratitude to all who have shared in his journey, celebrated his life, and supported our commitment to preserving the natural world. Let us honor his memory by continuing to protect and respect the wildlife that enriches our lives,” ayon sa pahayag.

Tinatayang may haba na 18 talampakan si Pangil na pumalit sa buwayang si "Lolong" na pumanaw noong 2013 bilang largest crocodile in captivity sa bansa.

BASAHIN: Buwaya na nahuli sa Tawi-tawi, bago kayang hahawak sa titulong world's largest crocodile in captivity?

Pero kamakailan lang, isang buwaya ang nahuli sa Tawi-tawi, na pinaniniwalaan na aabot sa 18 talampakan ang haba. —FRJ, GMA Integrated News