Ilang mga pulis ang hinagisan ng dalawang granada sa Pagalungan, Maguindanao del Sur.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nawasak ang isang sasakyan sa lugar dulot ng pagsabog ng isa sa mga initsang granada.

Sa kabutihang palad, hindi naman sumabog ang isa pang granada, at walang nasaktan sa mga pulis.

Umeskapo naman ang mga salarin gamit ang motorsiklo.

May mga person of interest na ang kapulisan ngunit hindi pa nila ito tinukoy sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Kinondena ng lokal na pamahalaan ang insidente.

--Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News